*you typed:
my screams
(Sunday, October 09, 2005-)
font>
+2:37 AM]*
* [ sCrAp ]-
tang ina jeff,, shit,, naiinis ako sa 'yo...
bakit ganun?! manhid ka ba?! mahal mo ba talaga ako?! bakit parang hindi mo man lang naiisip kung bakit sa tuwing lumuluwas ka, atat akong makasama ka?!
hindi mo ba alam na dati pa ako nangangailangan ng presence mo,,physically presence.. mahirap ba yun?! oo nga't nandiyan ka, patawag tawag sa phone,, pero iba pa rin yung hinihingi ko.. tapos kung tumawag ka nga, napakadalang at sandali lang... shems...
eh kung sa malalayong lugar, nakakapunta ka.. eto pang magkapit bayan lang ang lugar ko at yung niluluwasan mo - hindi pa tayo nagkakakitaan! nagkikita nga,, ag labo namang kausap!! sabi mo sa ganitong lugar, tapos malalaman ko na lang na sa ibang lugar ka pala naghihintay.. shit.. tapos, magtatampo ka pa kasi hindi tayo nagkita - sa araw pa na mahalaga sa 'yo.. mukhang sinisi mo pa nga ako nun eh! aba,, kasalanan ko ba iyon?! 'tah...
alam ko't malayong lugar ka namamalagi dahil sa kamag-anak mo. pero sana naman sa pagluwas mo, kahit sandali man lang,, pag bigyan mo ako sa hinihingi ko.
alam ko may pinupuntahan kang iba pang kamag-anak,, pero pano naman ako? - habang buhay na magtitiis na ganito? habang buhay na isipin at intindihin nalang mga rason mo?!
sana naman kahit papaano maawa ka naman sa akin... ayan na,, kahit hindi tama,, hindi patas,, nagmamakaawa na ako...
mababaw? mababaw ba? mababaw na dahilan?
sa tingin ko hindi. kasi kasama naman yun sa isang relationship hindi ba?!
..hindi ba?..
.........hindi ba...
inisip ko nga minsan, "kami pa ba?!"
buti nga't kahit papano ay nabubuhayan pa ako ng loob kapag nagtetext sa akin ang kaibigan mo at nagsasabi tungkol sa 'yo.. mga nangyayari sa 'yo...
inisip ko na 'to simula pa lang.. inisip ko na na mangyayari ang mga komplikadong bagay na 'to sa relasyon nating tulad nito...
pero may pagkakataon naman hindi ba?.. nasasayang lang. at ikaw.. ikaw ang nagsasayang nun...
ako na nga halos gumagawa ng paraan na magsama tayo, kahit kaunting oras lang,, kaso ano?!! wala ka...
hindi ka pumunta nung minsan.. naghintay ako... umasa.. wala...
hindi ka ba nangungulila?.. hindi ba?
..hindi ba..?.
ako..oo.. oo! matagal na.. sawang-sawa na nga ako eh.. sawa na..
pero heto pa rin ako,, pilit na tinatanggal at kinakalimutan ang pangungulilang iyon.. pinipilit na itago ang nais makuha... pangungulila..
-end-
________________________________________________________________________________